National Organic Agriculture Program

National Organic Agriculture Program

Share

Isang OA na araw! Maraming salamat sa pagbisita sa opisyal na page ng NOAP!

Organikong Pagkain, sa Pamilya ay Ihain!

#KabuhayangOAKinabukasangOK #OKsaOA

03/06/2026

Ang "natural" ay kadalasang ginagamit sa marketing, pero wala itong malinaw na proseso ng pag-check.

Sa certified organic, may sinusunod na malinaw na standards (production to processing) at may regular na inspections para masigurong nasusunod ang mga ito.

Sa madaling sabi: hindi lang ito label, kundi isang sistemang may accountability sa bawat hakbang ng paggawa ng pagkain.

Learn more about certified organic standards with Naturland.

Photos from JMB's Integrated Farm's post 02/06/2026
Photos from Organic Agriculture Program Central Luzon's post 02/06/2026
01/06/2026

Kilalanin si “Black Soldier Vanessa”… este, Black Soldier Fly (BSF)!

Ang BSF ay isa sa mga pinakamabisang tagapagproseso ng organikong basura sa kalikasan. Ang Larvae nito ay mataas sa protina at masustansiyang pakain para sa mga alagang manok, itik, at isda.

Bukod dito, nakatutulong ang BSF sa pagbabawas ng basura at pagpapababa ng carbon emissions. Dahil dito, nagiging mas sustenable, mas makakalikasan, at mas matipid ang produksyon ng pagkain.

Mula sa basura tungo sa pakinabang, ipinapakita ng BSF na sa kalikasan, walang nasasayang kapag ang mga yaman nito ay nagagamit nang wasto at responsable.

01/06/2026

Tulad ng organikong agrikultura na nagpapalaya sa lupa mula sa labis na pag gamit sa sintetikong input at nagbubukas ng landas tungo sa mas sustenableng kinabukasan, kayo rin ay katuwang sa pagsusulong ng isang mas malusog, mas matatag, at mas malayang sektor ng agrikultura.

Maligayang kaarawan sa ating mga tagapagtaguyod ng organikong agrikultura! Nawa’y patuloy kayong mamukadkad at magbigay-inspirasyon sa buong bansa!

31/05/2026

OAno itong dating damo na ngayon ay may potensyal sa merkado?

Ang Pansit-pansitan (Peperomia pellucida), na kilala rin bilang Ulasimang-bato sa ilang bahagi ng bansa at Sinaw-sinaw sa ilang lugar sa Kanlurang Visayas, ay isang maliit na halamang damo na kabilang sa pamilya Piperaceae, o ang pamilya ng paminta (pepper).

Ang halamang ito ay karaniwang tumutubo sa mamasa-masa at may lilim na lugar tulad ng mga bakuran, hardin, at gilid ng taniman. Madali itong paramihin at hindi nangangailangan ng maraming espasyo o mataas na input sa pagtatanim.

Ang Pansit-pansitan ay may malambot at makatas na dahon, banayad na lasa, at bahagyang lasa ng paminta. Karaniwan itong kinakain nang sariwa bilang salad, maaaring ihalo sa kamatis at sibuyas, o bahagyang igisa kasama ng iba pang gulay.

Department of Agriculture - Philippines Department of Agriculture - Western Visayas

Munting Paalala: Layunin ng bidyo na ito na ipakilala ang mga kakaiba at hindi gaanong kilalang mga naturally-grown na mga produkto ng mga magsasaka na may malaking potensyal sa merkado lalo na kung ito ay masesertipika bilang organiko.

Photos from Department of Agriculture Central Luzon's post 29/05/2026
29/05/2026

📢 CALL FOR PROPOSALS | Organic Agriculture Development in Northern Samar

Naturland Philippines is looking for a qualified service provider to support the development of resilient and inclusive organic agriculture systems in Northern Samar under the project:

🌱 “Farming for Livelihoods (OF4L): Building Resilient Communities Across the Philippines”

The assignment will focus on:
✅ Organic farming practices
✅ Organic rice production systems
✅ Participatory Guarantee Systems (PGS)
✅ Agroforestry and diversified farming systems
✅ Farmer capacity building and knowledge sharing

We invite organizations and experts with experience in organic agriculture, agroecology, farmer training, and community-based development to submit their proposals.

📍 Project Area: Northern Samar, Philippines
📅 Duration: July 2026 – August 2027
🗓 Proposal Deadline: June 5, 2026

Click here for more information: https://www.naturland.ph/jobs/

Photos from DA BPI Guimaras N C R D P S C's post 28/05/2026
Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


3rd Floor, Agricultural Training Institute Building, Elliptical Road, Diliman
Quezon City
1100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm