05/06/2026
Sinaksihan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta - Marcos ang pagtatapos ng mga mag-aaral ng West Visayas State University (WVSU) College Law sa La Paz, Iloilo City.
Ang batch na ito, kinabibilangan ng 25 graduates, kung saan 17 dito ay mga mag-aaral mismo ng Unang Ginang, sa kanilang legal studies na nagsimula noong 2022.| ulat ni Racquel Bayan
PBBM, nanawagan sa mga graduates ng WVSU College Law na magsilbing daan upang maprotektahan ang vulnerable sector sa ilalim ng Bagong Pilipinas
Sinaksihan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta – Marcos ang pagtatapos ng mga maga-aral ng West Visayas State University (WVSU) College Law sa La Paz, Iloilo City.
05/06/2026
Manghihingi ng paglilinaw si Senate President Pro Tempore at Acting Senate President Sherwin Gatchalian sa Civil Service Commission (CSC) kaugnay ng kung sino ang dapat sundin ng mga empleyado ng Senado.
Ito ay sa gitna ng umiiral na kalituhan tungkol sa liderato ng Senado. Ayon kay Gatchalian, tutuldukan nila ang kalituhan sa pamamagitan ng paghingi ng gabay mula sa CSC.| ulat ni Nimfa Asuncion
Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian, hihiling ng paglilinaw sa CSC sa usapin ng liderato sa Senado
Manghihingi ng paglilinaw si Senate President Pro Tempore at Acting Senate President Sherwin Gatchalian sa Civil Service Commission (CSC) kaugnay ng kung sino ang dapat sundin ng mga empleyado ng…
05/06/2026
Naihanda na ng Senado ang kontratistang si Pacifico “Curlee” Discaya para sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa kanya.
Ngayong araw ay naglabas ng warrant of arrest ang Bulacan Regional Trial Court Branch 20 laban kay Discaya at sa 10 iba pa kaugnay ng kasong malversation na may kinalaman sa umano’y flood control anomaly.| ulat ni Nimfa Asuncion
Senado, handa nang i-turn over si Curlee Discaya sa korte
Naihanda na ng Senado ang kontratistang si Pacifico “Curlee” Discaya para sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa kanya. Ngayong araw ay naglabas ng warrant of arrest ang Bulacan Regional Trial…
05/06/2026
PANOORIN | Makikita sa CCTV footage ng isang tindahan sa Bacacay, Albay ang epekto ng pagyanig na naramdaman bandang 9:58 PM ngayong June 5, 2026.
Sa video, makikitang nagsihulugan ang ilang paninda dahil sa lakas ng pagyanig.
Ayon sa nag-upload ng video na si Domingo Barcelo, malakas ang naging epekto ng lindol sa kanilang lugar. Aniya, mabuti na lamang at agad silang nakalabas upang matiyak ang kanilang kaligtasan. | ulat ni Dianna Mendez | RP Albay
📷 Domingo Barcelo
05/06/2026
TINGNAN | Kasalukuyang nagsasagawa ng monitoring at assessment activities ang Bacacay MDRRMO at mga kapulisan kasunod ng magnitude 5.3 na lindol na tumama sa Albay ngayong 9:58 PM, June 5, 2026.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling kalmado at agad na iulat sa mga awtoridad ang anumang pinsala o panganib na maaaring dulot ng pagyanig.
Pinaalalahan din ng awtoridad ang publiko na suriin ang paligid para sa mga posibleng hazard o panganib, lumayo sa mga nasira o kahina-hinalang istruktura, maging handa sa mga posibleng aftershocks, panatilihing madaling maabot ang mga emergency kits at patuloy na maghintay ng opisyal na abiso mula sa mga kinauukulang ahensya. | via Dianna Mendez | RP Albay
📷 Bacacay MDRRMO
05/06/2026
PHIVOLCS, IBINABA SA MAGNITUDE 5.3 ANG LINDOL NA NAITALA SA ALBAY
Batay sa Earthquake Information No. 2 ng PHIVOLCS, naitala ang magnitude 5.3 na lindol sa Albay bandang alas-9:57 ng gabi nitong June 5. Natukoy ang epicenter sa layong 15-kilometro timog-silangan ng bayan ng Santo Domingo, Albay, na may lalim na siyam na kilometro.
Naitala ang Intensity V sa Sto. Domingo at Legazpi City, habang Intensity IV naman sa Tabaco City, Ligao City, Malilipot, at ilang bahagi ng Sorsogon. Umabot sa Instrumental Intensity VI ang pagyanig sa Tabaco, Albay at Intensity V sa Castilla, Sorsogon.
Naramdaman din ang lindol sa iba pang bahagi ng Bicol at kalapit na lalawigan. Patuloy na minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa mga posibleng aftershock. | via Paul Hapin, Radyo Pilipinas Albay
📷 PHIVOLCS
05/06/2026
NGCP, tiniyak ang patuloy na pagpapalakas ng transmission network at pagkumpleto sa mga kritikal na proyekto kasunod ng kautusan ni Pangulong Marcos Jr....
https://radyopilipinas.ph/?p=1899
Untitled
NGCP, tiniyak ang patuloy na pagpapalakas ng transmission network at pagkumpleto sa mga kritikal na proyekto kasunod ng kautusan ni Pangulong Marcos Jr. sa DOE na silipin ang performance nito Tiniyak…
05/06/2026
Muling nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi dapat iugnay sa institusyon ang mga aksyon ng 18 indibidwal na nagpakilalang mga bagman ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Sa inilabas na notice para sa media ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, hiniling ng militar na huwag nang tawaging “18 Marines” o “ex-Marines” ang naturang grupo.
AFP, tutol sa pagtawag sa mga bagman ni Zaldy Co bilang ‘18 Marines’
Muling nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi dapat iugnay sa institusyon ang mga aksyon ng 18 indibidwal na nagpakilalang mga bagman ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.