01/11/2026
𝗣𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗡𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗦𝗘𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗔𝗞𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗕𝗨𝗟𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗣: 𝗙𝗢𝗗–𝗠𝗜𝗡𝗗𝗔𝗡𝗔𝗢, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗘𝗬 𝗜𝗡𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗡𝗧 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗩𝗜𝗘𝗪
Isinagawa ng PCUP, sa pamamagitan ng Research, Planning, and Monitoring Division (RPMD), katuwang ang Field Operations Division–Mindanao (FOD-Mindanao), ang Key Informant Interview (KII) sa Davao City bilang bahagi ng patuloy na pagsusuri sa 𝗖𝗮𝗽𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗕𝘂𝗶𝗹𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 (𝗖𝗕𝗣). Kabilang sa mga nakapanayam ang mga kinatawan mula sa 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗧𝗮𝗹𝗼𝗺𝗼, 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻’𝘀 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗶𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, 𝗜𝗻𝗰., 𝗮𝘁 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗮𝗻𝗮𝗼 upang makalap ang kanilang mahahalagang pananaw at karanasan hinggil sa pagpapatupad, bisa, at kontribusyon ng programa sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga organisasyon ng maralitang tagalungsod at kanilang mga katuwang na institusyon.
Layunin ng mga panayam na matukoy ang mga mabubuting gawi, hamon sa pagpapatupad, at mga oportunidad para sa higit pang pagpapabuti ng programa. Magsisilbi rin ang mga nakalap na impormasyon bilang batayan sa pagbuo ng mga rekomendasyong magpapalakas sa ugnayan at pagtutulungan ng PCUP, mga lokal na pamahalaan, mga institusyong pang-akademiko, at mga organisasyon ng lipunang sibil sa pagsusulong ng inklusibo at napapanatiling kaunlarang pangkomunidad.
Alinsunod sa direktiba ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales, patuloy na pinagtitibay ng Komisyon ang pagsusuri at pagpapahusay sa mga programang naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga organisasyon ng maralitang tagalungsod. Sa pamamagitan ng gawaing ito, patuloy na isinusulong ng PCUP ang 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗿𝗶 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝗮 𝗯𝗮𝘁𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗱𝗮𝘁𝗼𝘀 𝗮𝘁 𝗮𝗸𝘁𝘂𝘄𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝘀𝗮𝗻 upang matiyak na ang mga hakbangin para sa pagpapaunlad ng kakayahan ay tumutugon sa mga pangangailangan at adhikain ng mga maralitang tagalungsod.