National Commission on Indigenous Peoples

National Commission on Indigenous Peoples

Share

TO RECOGNIZE, RESPECT, PROMOTE, AND PROTECT THE RIGHTS OF ICCs/IPs

MANDATE

The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the ICCs/IPs with due regard to their beliefs, customs, traditions and institutions. VISION

By 2040, all Philippine Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples will be fully empowered, their rights genuinely fulfilled and realized, their cultural heritage observed, respected, and preserved, and their ancestral domai

Photos from National Commission on Indigenous Peoples's post 02/06/2026

๐ˆ๐ง๐š๐ฉ๐ซ๐ฎ๐›๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐‚๐ˆ๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐ญ๐ก ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐  ๐‚๐€๐ƒ๐“ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ฎ๐ค๐ข๐๐ง๐จ๐ง-๐Œ๐š๐ ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐๐ž๐ ๐ซ๐จ๐ฌ ๐ˆ๐ฌ๐ฅ๐š๐ง๐ ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง

Iloilo City | May 27, 2026 Masayang inanunsyo ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), sa pamumuno ni Secretary and Chairperson Nancy A. Catamco, ang isang mahalagang tagumpay matapos pormal na aprubahan ng NCIP 10th Commission ang Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ng mga Bukidnon-Magahat ICCs/IPs.

Saklaw ng CADT ang mga Barangay Cabatuanan, Maglinao, Linantayan, at mga bahagi ng Bongalonan, Nagbo-alao, Cabalayongan, Bal-os, Olandao, at Actin sa Basay, Negros Oriental, gayundin ang bahagi ng Barangay Culipapa at Damutan sa Hinobaan, Negros Occidental, na may kabuuang lawak na 9,391.3056 ektarya.

Unang inihain ang aplikasyon noong 2005. Matapos ang mahabang panahon ng paghihintay at patuloy na paninindigan, ganap na itong kinilala patunay ng lakas, pagkakaisa, at dedikasyon ng komunidad sa pagtatanggol ng kanilang lupang ninuno.

Naging posible ang pag-apruba ng CADT sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos ng Komisyon bilang isang collegial body. Pinangunahan ni Commissioner Alex Centena ang mungkahi para sa pag-apruba ng aplikasyon, na agad namang sinuportahan ng iba pang mga Komisyoner, kabilang sina Atty. Rhodex Valenciano, Commissioner Marie Grace Pascua, Commissioner Purisimo Tiam, Commissioner Datu โ€œAmarilloโ€ Marcelo Alejo Jr., at Atty. Alberto Lagamon.

Higit pa sa isang titulo ng lupa, ito ay pagkilala sa kasaysayan, kultura, at karapatan ng mga Bukidnon-Magahat para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.

โ€œ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ: ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ง๐™–๐™ฃโ€

02/06/2026

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ข๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก: Tugon ng NCIP sa pagpapatibay ng Free and Prior Informed Consent sa gitna ng lumalaking papel ng mga Katutubo at kanilang mga lupaing ninuno sa pambansang kaunlaran.

"๐— ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป: ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป"

01/06/2026

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ข๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก: Sa isang pambihirang pagpapakita ng lakas at pagkakaisa ng ika-10 Komisyon ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), inaprubahan nang walang pagtutol ng Komisyon ang aplikasyon para sa Certification Precondition (CP) ng Zetosa Mineral Resources Corporation (ZMRC). Ito ay para sa nakabinbing Mineral Production Sharing Agreement nito sa probinsya ng Davao Oriental.

Ang Mahayag Nickel Laterite Mining Project ay ilulunsad sa mga barangay ng Causwagan at Mahayag na kapwa bahagi ng lupaing ninuno ng Mandaya Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs) ng Banaybanay.

Tinatayang nasa 2,291.34 ektarya ang kabuuang lawak na sakop ng orihinal na aplikasyon ng ZMRC na kinapapalooban ng tatlong ancestral domains. Gayunpaman, matapos pormal na tutulan at maglabas ng Certificate of Non-Consent ang dalawang karatig na komunidadโ€”ang Kagan ICCs/IPs ng Banaybanay at Mandaya ICCs/IPs ng Luponโ€”sinisiguro ng NCIP na igagalang ang karapatan ng mga katutubo sa kanilang sariling pagpapasya.

Bunsod nito, lumagda ang ZMRC sa isang Affidavit of Undertaking na nagtatakdang lilimitahan lamang sa 1,008.04 ektaryang lupang may pahintulot ang operasyon nito, at tahasang ipinagbabawal ang pagpasok sa nalalabing 1,283.28 ektaryang lupain ng mga komunidad na tumutol sa proyekto. Tinatayang magdadala ng nasa โ‚ฑ54,104,950.00 na halaga ng royalty shares, trabaho, at mga proyektong panlipunan ang Mahayag Nickel Laterite Mining Project.

Ito ang patuloy na pangako ng NCIP: ang kilalanin at respetuhin ang karapatan ng mga Katutubo kasabay ng pag-alalay at pagsiguro sa pagkamit ng isang โ€œ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ: ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ.โ€

Photos from National Commission on Indigenous Peoples's post 01/06/2026

๐—ก๐—–๐—œ๐—ฃ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—˜๐—ฃ๐——๐—ฒ๐˜ƒ ๐—˜๐˜…๐—ฝ๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ ๐—”๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—œ๐—ฃ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜

The National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) held an Inter-Agency Technical Meeting with the Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev), represented by Director Girlie Grace J. Casimiro-Igtiben of the Social Development Staff, to discuss opportunities for collaboration in development planning, data integration, and policy mainstreaming.

Key discussions focused on enhancing data-sharing mechanisms, aligning the IP Master Plan with national development priorities, strengthening Indigenous Peoples' representation in planning processes, and identifying avenues for technical assistance and inter-agency coordination.

The meeting reaffirmed the commitment of both agencies to advancing evidence-based policies and programs that promote the rights, welfare, and sustainable development of Indigenous Peoples across the country.

โ€œ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ: ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ง๐™–๐™ฃโ€

Photos from National Commission on Indigenous Peoples's post 01/06/2026

๐ˆ๐ง๐š๐ฉ๐ซ๐ฎ๐›๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐‚๐ˆ๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐ญ๐ก ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐  ๐‚๐€๐ƒ๐“ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ฎ๐ค๐ข๐๐ง๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ž๐ ๐ซ๐จ๐ฌ ๐ˆ๐ฌ๐ฅ๐š๐ง๐ ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง

Iloilo City | May 27, 2026 โ€” Sa pamumuno ni Secretary and Chairperson Nancy A. Catamco, muling nakamit ng mga Katutubong Pamayanan ang isang mahalagang tagumpay matapos aprubahan ng NCIP 10th Commission ang Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ng mga Bukidnon ICCs/IPs.

Saklaw ng CADT ang Barangay Tayawan at bahagi ng Barangay Kalamtukan sa Lungsod ng Bayawan, Negros Oriental, pati ang mga bahagi ng Barangay Pinggot sa Ilog at Barangay Damutan sa Hinobaan, Negros Occidental, na may kabuuang lawak na 11,314.00 ektarya.

Unang inihain ang aplikasyon noong 2014, at matapos ang mga taon ng paghihintay at pagpupunyagi, tuluyan na itong kinilala. Higit pa ito sa titulo ng lupa ito ay pagkilala sa kasaysayan, kultura, at karapatan ng komunidad bilang mga tunay na tagapagmana ng kanilang lupang ninuno.

Masugid na inirekomenda ni Commissioner Alex Centena ang pag-apruba ng aplikasyon bilang pagkilala sa makatarungan at lehitimong karapatan ng komunidad. Pinangunahan ni Commissioner Marie Grace Pascua ang En Banc Session kung saan nagkaisang inaprubahan ng buong Komisyon ang CADT, kasama ang suporta ng mga Commisioner na sina Rhodex Valenciano, Purisimo Tiam, Datu โ€œAmarilloโ€ Marcelo Alejo Jr., at Alberto Lagamon.

Isang malinaw na paalala na ang bawat tagumpay ng mga Katutubong Pamayanan ay tagumpay ng buong bansa.

โ€œ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ: ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ง๐™–๐™ฃโ€

Photos from National Commission on Indigenous Peoples's post 30/05/2026

๐ˆ๐ง๐š๐ฉ๐ซ๐ฎ๐›๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐‚๐ˆ๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐ญ๐ก ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐  ๐‚๐€๐ƒ๐“ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ฎ๐ค๐ข๐๐ง๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ž๐ ๐ซ๐จ๐ฌ ๐Ž๐œ๐œ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ

Iloilo City | May 27, 2026 โ€” Sa ilalim ng pamumuno ni Secretary and Chairperson Nancy A. Catamco, isang makasaysayang tagumpay ang muling naitala para sa mga Katutubong Pamayanan matapos pormal na aprubahan ng NCIP 10th Commission ang Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ng mga Bukidnon ICCs/IPs na sumasaklaw sa Barangays Codcod sa San Carlos City, Igmayaan sa Don Salvador Benedicto, at Minoyan sa Murcia, lalawigan ng Negros Occidental.

Sumasaklaw ang nasabing CADT sa kabuuang 16,476.7607 ektarya ng lupang ninuno batay sa isinagawang survey, na may 12,000 ektarya bawat aplikasyon. Ang pag-apruba nito ay bunga ng matagal na proseso na nagsimula noong 2001.

Ang pagkilalang ito ay hindi lamang pagpapatibay sa kanilang lehitimong karapatan sa lupang ninuno, kundi pagpupugay rin sa kanilang mayamang kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan bilang mga Katutubong Pamayanan.

Mahigpit na inirekomenda ni Commissioner Alex Centena ang pag-apruba ng aplikasyon bilang pagkilala sa makatarungan at lehitimong karapatan ng komunidad. Pinangunahan naman ni Commissioner Marie Grace Pascua ang En Banc Session kung saan nagkaisang inaprubahan ng buong Komisyon ang CADT, kasama ang suporta ng mga Commissioner na sina Rhodex Valenciano, Purisimo Tiam, Datu โ€œAmarilloโ€ Marcelo Alejo Jr., at Alberto Lagamon.

Ito ay higit pa sa isang dokumento. Ito ay hustisya, pagkilala, at pag-asa para sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon ng mga Bukidnon sa Negros Occidental.

โ€œ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ: ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ง๐™–๐™ฃโ€

Photos from National Commission on Indigenous Peoples's post 29/05/2026

๐ˆ๐ง๐š๐ฉ๐ซ๐ฎ๐›๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐‚๐ˆ๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐ญ๐ก ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐  ๐‚๐€๐ƒ๐“ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ฎ๐ค๐ข๐๐ง๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐‚๐š๐ง๐ฅ๐š๐จ๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ, ๐๐ž๐ ๐ซ๐จ๐ฌ ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ

Iloilo City | May 26, 2026 โ€” Isang makasaysayang tagumpay ang muling naitala para sa mga Katutubong Pamayanan matapos pormal na aprubahan ng NCIP 10th Commission, sa ilalim ng pamumuno ni Secretary and Chairperson Nancy A. Catamco, ang Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ng mga Bukidnon sa Barangays Lumapao, Malaiba, Masulog, at P**a, Canlaon City, Negros Oriental.

Sumasaklaw ang nasabing CADT sa kabuuang 1,861.8871 ektarya ng lupang ninuno, isang matagal nang ipinaglaban at inihain ng komunidad noong 2014. Ang pag-apruba nito ay hindi lamang pagkilala sa kanilang karapatan, kundi pagpapatibay sa kanilang kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan bilang mga tunay na tagapagmana ng lupaing ninuno.

Naging emosyonal ang mga kinatawan ng komunidad nang marinig ang desisyon, isang patunay ng halos isang dekadang paghihintay, pagtitiyaga, at paninindigan.

Mahigpit na inirekomenda ni Commissioner Alex Centena ang pag-apruba ng aplikasyon bilang pagkilala sa makatarungan at lehitimong karapatan ng komunidad. Pinangunahan naman ni Commissioner Marie Grace Pascua ang En Banc Session kung saan nagkaisang inaprubahan ng buong Komisyon ang CADT, kasama ang suporta nina Atty. Rhodex Valenciano, Purisimo Tiam, Datu โ€œAmarilloโ€ Marcelo Alejo Jr., at Atty. Alberto Lagamon.

Ito ay higit pa sa isang dokumento. Ito ay hustisya, pagkilala, at pag-asa para sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon ng mga Bukidnon sa Canlaon.

โ€œ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ: ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ง๐™–๐™ฃโ€

Photos from National Commission on Indigenous Peoples's post 28/05/2026

๐ˆ๐ง๐š๐ฉ๐ซ๐ฎ๐›๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐‚๐ˆ๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐ญ๐ก ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐  ๐‚๐€๐ƒ๐“ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ฎ๐ค๐ข๐๐ง๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ข๐ฌ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ, ๐๐ž๐ ๐ซ๐จ๐ฌ ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ

ILOILO CITY โ€” Matapos ang halos labingwalong taon ng paghihintay, tuluyan nang naaprubahan ng ika-10 Komisyon ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), sa panumuno ni Secretary and Chairperson Nancy Catamco, ang aplikasyon para sa Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ng komunidad ng mga Bukidnon sa Bais City, Negros Oriental sa ginanap na ika-25 En Banc Session ng Komisyon sa Iloilo City.

Ang nasabing CADT ay sumasaklaw sa kabuuang 393.2077 ektarya ng lupang ninuno na unang inihain ng komunidad noong taong 2008. Matapos ang mahabang proseso at taon ng paghihintay, pormal nang kinilala at inaprubahan ng Komisyon ang kanilang karapatan sa lupang ninuno.

Naging emosyonal ang mga kinatawan ng komunidad ng Bukidnon nang marinig ang pag-apruba ng kanilang CADT application. Marami ang napaluha at halos mawalan ng salita sa labis na pasasalamat at kagalakan sa katuparan ng matagal nilang ipinaglaban para sa kanilang komunidad at sa susunod na henerasyon.

Mahigpit na inirekomenda ni Commissioner Alex Centena ang pag-apruba ng aplikasyon bilang pagkilala sa makasaysayan at lehitimong karapatan ng komunidad sa kanilang lupang ninuno. Pinangunahan naman ni Commissioner Marie Grace Pascua ang En Banc Session kung saan nagkaisang inaprubahan ng buong Komisyon ang CADT. Ang pag-apruba ay sinuportahan din ng iba pang mga Komisyoner, kabilang sina Atty. Rhodex Valenciano, Purisimo Tiam, Datu โ€œAmarilloโ€ Marcelo Alejo Jr., at Atty. Alberto Lagamon.

Buong pusong nagpasalamat ang mga Bukidnon sa NCIP sa pagtupad nito sa mandato para sa pagkilala at pangangalaga sa karapatan ng mga Katutubong Pamayanan. Higit nilang kinikilala ang pamumuno ni Secretary Nancy sa patuloy na pagsusulong ng kapakanan, dignidad, at karapatan ng mga Indigenous Peoples sa bansa.

Ayon sa pamunuan ng Komisyon, patuloy na paiigtingin ng NCIP ang pagsusulong ng mga programang magbibigay ng tunay na pagkilala, proteksyon, at pagpapalakas sa mga Katutubong Pamayanan sa buong Pilipinas.

โ€œ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ: ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ง๐™–๐™ฃโ€

28/05/2026

๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ฃ๐˜‚๐˜€๐—ผ: Makasaysayang Paggawad ng CRADC sa Ilocos Norte โœจ

Sa ika-43 anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng Adams, Ilocos Norte noong 18 May 2026, opisyal na tinanggap ng Yapayao ICCs/IPs ang kanilang Certificate of Recognition of Ancestral Domain Claim (CRADC) mula sa NCIP. ๐Ÿ“œโœŠ

โ€œ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ: ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ง๐™–๐™ฃโ€ ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโค๏ธ

Photos from National Commission on Indigenous Peoples's post 27/05/2026

๐ˆ๐ง๐š๐ฉ๐ซ๐ฎ๐›๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐Ÿ๐ŸŽ๐ญ๐ก ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐  ๐๐‚๐ˆ๐ ๐š๐ง๐  ๐‚๐€๐ƒ๐“ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐‡๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐จ๐๐ง๐จ๐ง-๐๐ฎ๐ค๐ข๐๐ง๐จ๐ง; ๐Œ๐š๐ก๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐Ÿ•,๐Ÿ”๐Ÿ”๐ŸŽ ๐„๐ค๐ญ๐š๐ซ๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ง๐จ, ๐๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ฅ ๐ง๐š๐ง๐  ๐Š๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š

Iloilo City โ€” Masayang inanunsyo ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na pormal nang inaprubahan ng 10th Commission ang aplikasyon para sa Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ng mga Halawodnon-Bukidnon Peoples, matapos ang halos isang dekadang paghihintay mula nang ito ay ihain noong 2016.

Saklaw ng inaprubahang CADT ang kabuuang 7,660.646 ektarya ng lupang ninuno na matagal nang ipinaglalaban at pinangangalagaan ng komunidad bilang bahagi ng kanilang kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan bilang Indigenous Cultural Community/Indigenous Peoples (ICCs/IPs).

Pinangunahan ni Commissioner Alex Centena ang mungkahi para sa pag-apruba ng aplikasyon, na agad namang nasegunduhan at sinuportahan ng iba pang mga komisyoner, kabilang sina Atty. Rhodex Valenciano, Commissioner Marie Grace Pascua, Commissioner Purisimo Tiam, Commissioner Datu โ€œAmarilloโ€ Marcelo Alejo Jr., at Atty. Alberto Lagamon.

Naging emosyonal ang mga kinatawan ng komunidad matapos ang pag-apruba ng kanilang aplikasyon. Marami sa kanila ang nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sa pamunuan ng NCIP, partikular kay Secretary and Chairperson Nancy Catamco dahil sa patuloy nitong pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga Katutubong Pamayanan sa buong bansa.

Ayon kay Secretary Nancy, ang pagkakaloob ng mga CADT ay isang mahalagang hakbang tungo sa tunay na pagkilala sa karapatan ng mga Katutubo sa kanilang lupang ninuno at sariling pagpapasya.

Hinggil dito, ang Komisyon ay magpapatuloy sa pagsusulong na magkaroon ng kapangyarihan at pagkilala sa ating mga Katutubong Pamayanan sa pamamagitan ng pagpapabilis at pagpapalakas ng proseso ng pag-iisyu ng CADT. Ang lupang ninuno ay hindi lamang lupa sapagkat ito ay buhay, kultura, at kinabukasan ng mga Indigenous Peoples.

Binigyang-diin din ng NCIP na bilang isang collegial body, ang 10th Commission ay nagkakaisa sa pagdedesisyon at pag-apruba ng mga aplikasyon para sa CADT bilang bahagi ng kolektibong mandato nitong pangalagaan at itaguyod ang karapatan ng mga ICCs/IPs alinsunod sa Indigenous Peoplesโ€™ Rights Act (IPRA).

Ang pag-apruba sa CADT ng mga Halawodnon-Bukidnon sa mga Barangay Caratagan, Aglonok, at Hilwan sa Calinog, Iloilo ay isa na namang makasaysayang hakbang sa pagsusulong ng social justice, cultural integrity, at inclusive development para sa mga katutubong pamayanan sa bansa.

โ€œ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ: ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ง๐™–๐™ฃโ€

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Sunnymede IT Center, 6th & 7th Floors, 1614 Quezon Avenue
Quezon City
1008

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm